Prime Minister Justin Trudeau at asawa na si Sophie Grégoire Trudeau, naghiwalay na. Unemployment tumaas sa 5.5% noong Hulyo habang lumaki ang sahod. Meta permanenteng tatanggalin ang balita sa mga platform nito sa Canada. Mga serbisyo ng gobyerno ng Canada magiging ‘digital first.’
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 51: Agosto 4, 2023
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 50: Hulyo 28, 2023
Filipino Canadian MP Rechie Valdez itinalaga na bagong miyembro ng gabinete ni Prime Minister Justin Trudeau. Pananaliksik sa Alberta hinighlight ang kahalagahan ng social connection para sa mga imigrante. Canadian AI pioneer nakiusap sa Kongreso ng Estados Unidos na magpasa ng batas tungkol sa artificial intelligence. Bagong nobela mula sa Canadian Filipina writer ng ’Scarborough’ ilalabas na.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 49: Hulyo 21, 2023
Inflation ng Canada bumaba sa 2.8%. Conservative Party Leader Pierre Poilievre tinanggal ang salamin bilang parte ng pagbabago ng imahe. Ontario gagastos ng $166M para ilipat ang legal services online.Bagong sanctions ng Canada tinamaan ang mga sikat na tao sa Russia at mga miyembro ng Wagner Group. Filipino Fiesta pinuno ang Rotary Park sa Whitehorse, Yukon ng mga tanawin, tunog at lasang Pinoy.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 48: Hulyo 14, 2023
Conservative Leader Pierre Poilievre sinisi si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa muling pagtaas ng interest rate ng Bank of Canada. Updated COVID-19 vaccines inirekomenda para sa lahat bilang booster sa taglagas. Canada mas dodoblehin ang presensya ng mga sundalo sa Latvia. Pilipinas nais itaguyod ang mas malakas na kooperasyon sa edukasyon sa Canada.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 47: Hulyo 7, 2023
Filipino artist na dating domestic helper sa Hong Kong, sinimulan ang bagong buhay sa Canada. Ontario oobligahin ang temporary foreign worker agencies at mga recruiter na maging lisensyado pagsapit ng 2024. Calgary Stampede, ang sikat na summer festival sa Alberta, siguradong dudumugin ng tao. Pearson Airport magiging tahanan ng unang public hydrogen refuelling station sa Ontario.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 46: Hunyo 30, 2023
Canada ilulunsad ang digital nomad strategy para akitin ang mga talento | Radar search sa residential school sa Alberta nakatuklas ng 88 hinihinalang libingan | Pamilya ng isang Pilipina na nakatira sa Quebec nahaharap sa deportasyon | Deadline lumipas na para makuha ang $70M sa winning lotto ticket na nabili sa Toronto | Higit tatlong daan na health-care workers mula Pilipinas tinanggap ang alok na trabaho sa probinsya ng Manitoba
Inihanda at iprinesenta ni Rodge Cultura.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 45: Hunyo 23, 2023
Watawat ng Pilipinas iwinagayway sa iba-ibang parte sa British Columbia sa pagpapatuloy ng Filipino Heritage Month I Mga taga-Canada tatanggalan ng access sa balita sa Facebook at Instagram, sabi ng kompanyang Meta I Bahay ng mag-asawang Canadian Filipino kasama sa naabo ng sunog sa Toronto I Eraserheads concert sa Ontario umukit sa kasaysayan ayon sa isang event strategist I Bagong mga patakaran sa wage-fixing at anti-poaching nagkabisa na ngayong araw
Inihanda at iprinesenta ni Rodge Cultura.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 44: Hunyo 16, 2023
Canadian Prime Minister Justin Trudeau binati ang mga Pilipino sa buong mundo sa Araw ng Kalayaan. Populasyon ng Canada inaasahan na aabot sa 40 milyon ngayong Biyernes. Ang librong “Indomitable Canadian Filipinos” inilunsad sa Vancouver. Dapat bang ipagbawal ang cellphone sa mga eskuwelahan sa Canada?
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 43: Hunyo 9, 2023
Pilipinas isa sa 13 bansa na isinama para sa visa-free travel sa Canada. Canada dumalo sa unang UFO briefing sa Pentagon. Filipino Heritage Month umarangkada na sa Canada. LGBTQ Canadians nahaharap sa tumataas na hate ayon kay Prime Minister Justin Trudeau.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 42: Hunyo 2, 2023
Danielle Smith at United Conservative Party nakamit ang mayorya na gobyerno sa Alberta. Quebec inilunsad ang bagong online platform para matuto ang mga residente ng wikang Pranses. GDP ng Canada tumaas noong unang quarter ng 2023. Bilang ng Filipino international students pinakamabilis tumaas sa Canada.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.