Ang mga balita sa Canada na dapat niyong tutukan ngayong linggo.
Mag-subscribe sa aming podcast
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 163: Setyembre 26, 2025
Gobyerno ni Doug Ford sinabing ipagbabawal ang mga speed camera sa buong Ontario. Starbucks isasara ang mga store, sisibakin ang 900 empleyado sa Canada at U.S. Paglaki ng populasyon ng Canada halos flat sa pangalawang quarter ng 2025. Cyber agency ng Canada nagbabala sa pag-atake sa tech na ginagamit ng remote workers.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 162: Setyembre 19, 2025
Canada, Mexico sumang-ayon na palalimin ang ugnayan sa harap ng mapanghamong 2nd term ni Trump. Pinoy short film na ‘Agapito’ nasungkit ang Honorable Mention sa TIFF 50. Bank of Canada ibinaba ang interest rate sa 2.5% sa unang cut mula Marso. Gobyerno ni Carney ihahain ang unang budget sa Nobyembre 4.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 161: Setyembre 12, 2025
Prime Minister Mark Carney inanunsyo ang 5 major projects na mag-aakyat daw ng $60B sa ekonomiya ng Canada. Quebec Premier François Legault binalasa ang kanyang gabinete. $80M tariff-relief fund inanunsyo para sa mga negosyo sa Atlantic Canada. Mga komunidad sa Timog Manitoba binaha ng hanggang 135 mm na ulan magdamag.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 160: Setyembre 5, 2025
Prime Minister Mark Carney inihayag ang bilyong-bilyong pondo, Buy Canada policy para labanan ang mga taripa ng Amerika. 2 Canadian kumpirmadong patay sa funicular na aksidente sa Portugal. Mga international student visa para sa Canada bumagsak. Balik-eskuwela na ang 5M batang Canadian ngayong linggo.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 159: Agosto 29, 2025
Russia pinaulanan ng missile at drones ang Kyiv, Ukraine, bilang ng kompirmadong napatay umakyat na sa 23 | Drayber nahuli sa British Columbia na nag-speeding pinamulta, katwiran na nauubusan na siya ng gas hindi pinalusot | Bansang Israel binomba ang ospital sa Gaza, limang mamahayag kabilang sa mga napatay | Pop superstar Taylor Swift kinumpirma na engage na sa football player na si Travis Kelce
Inihanda at iprinesenta ni Rodge Cultura.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 158: Agosto 22, 2025
Canada aalisin ang retaliatory tariffs sa U.S. goods na sakop ng CUSMA. Memorial para sa mga biktima ng Lapu-Lapu Day tragedy nilipat sa sementeryo ng Vancouver. Canada kinuha ang Cohere para pamahalaan ang paggamit ng AI sa serbisyo publiko. Panalo ni Poilievre sa byelection nagbigay-daan sa kanyang pagbabalik sa Parlamento sa taglagas.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 157: Agosto 15, 2025
24 bansa, kasama ang Canada, nanawagan para tumigil ang taggutom sa Gaza. Mural sa Mount Pleasant binigyang parangal ang mga biktima ng Lapu-Lapu Day tragedy. Ontario inutusan ang public servants na bumalik sa opisina full time. Komunidad ng mga Pilipino sa P.E.I. pinalakas ang dragon boat racing sa bagong event.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 156: Agosto 8, 2025
Canada nagbagsak ng humanitarian aid para sa mga Palestino sa Gaza. Ekonomiya ng Canada nawalan ng higit 40,000 trabaho noong Hulyo. Asosasyon ng mga Pilipino sa Yukon kumilos para magkaroon ng bagong community hub. Ontario, Alberta at Saskatchewan nais pag-aralan kung posible ang pagkakaroon ng west-east pipeline. Lalaki naospital matapos ang pamamaril sa isang karaoke bar sa North York.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 155: Agosto 1, 2025
Canada dismayado na itinaas ni Trump ang taripa sa 35%. Canada planong kilalanin ang Palestinian state sa Setyembre. Populasyon ng Quebec inaasahan na bababa dahil sa mga polisiya sa imigrasyon at fertility rates. Ontario opisyal na kinansela ang $100M na kontrata sa Starlink. Toll sa Confederation Bridge, pamasahe sa ferry sa Silangang Canada binawasan ng pederal na gobyerno.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.
-
Canadian na balita sa sampung minuto – Episode 154: Hulyo 25, 2025
Prime Minister Mark Carney sinabi sa mga premier na tatanggapin lang niya ang best deal para sa Canada sa U.S trade talks. Manitoba lumagda ng mga kasunduan sa 4 na probinsya para sa kalakalan. Palatandaan kung gaano kalubha ang krimen sa Canada bumaba ng 4% noong 2024. Ang mga lamok sa Toronto nagpositibo sa West Nile virus.
Inihanda at iprinesenta ni Catherine Dona.